to be a summer grad, i hope and pray..

…hehehe!!!sana matupad ang plano kong makapagtapos ngayong darating na summer…kung bakit ako nahuli sa pagsishift na ginawa ko lang last year,,hindi ko mawari…marahil ayoko ko lang talagang gumawa ng desisyon na maaari kong pagsisihan sa bandang huli…akala ko kailangan kong magaral until next year…sana wag naman…gusto ko nang makapagtapos at gawin ang mga bagay na kailangan kong harapin bilang isang taong may mga responsibilidad sa mundong aking ginagalawan…ang magtapos ng mas maaga sa inaasahan ng aking pamilya ay maituturing ko nang isang regalo para sa kanila at higit sa lahat para sa aking sarili…nakakalungkot na kinailangan kong mamalagi ng mas mahabang panahon sa kolehiyo pero ginawa ko ang kung anong sa tingin ko ang dapat…salamat na lamang at ginabayan ako ng Poong Maykapal…sa bawat desisyon ay madaming posibleng mangyari at nawa’y sa mga ginawa at gagawin kong mga desisyon ay hindi ito magdulot ng pasakit sa ibang tao…wala akong pakialam kung ako ang dapat pumasan ng mga pasakit dahil alam ko sa sarili ko na kakayanin ko ang mga iyon sa tulong ng Dakilang Maykapal…ako’y nananalnagin na umayon sa aking mga plano ang bawat araw na darating…-_-

Bookmark and Share

Leave a Reply